Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagsulat nito... Ngayong sinusulat ko to, hindi ko mapigilan ang pagluha... Pinost ko na lang ito dito kasi alam kong wala naman makikinig sa akin, at wala naman akong mapagsasabihan.

Minsan i-iiyak ko na lang ito ko pag matutulog na ako, para walang makahalata. Para pagkagising ko, idadahilan ko na lang na napuwing ako. Sino nga ba naman ako? Palagi naman akong on-my-own. Awang-awa na ako sa sarili ko...

Alam ko, sasabihin nyong napakababaw ko pero ganito talaga ako. Palagi akong nadedehado kahit ng elementary pa lang ako. Pag nasa classroom ako, ibang-iba ako sa aking tunay na sarili. Masayahin ako at hindi naman ako nabuburyo. Pero sa kabila ng mga tawa ko, hindi lang nila alam, kung gaano kasakit ang pinagdaraanan ko. Sawang-sawa na ako sa buhay ko. Ewan ko, pero nakakawalang gana na talaga ang bawat araw na dumadating. Palagi na lang akong nag-iisa. Ako palagi ang bobo, tanga, at walang silbi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Oo, may mga kaibigan nga ako sa school pero, palagi akong nale left-out. Ako palagi ang nae-echapwera. Kaya minsan, natatakot na akong magpakilala ng kaibigan sa isang kaibigan, dahil alam ko, maa-out of place lang ako. Kaya minsan, hinahayaan ko na lang sila na ilibre ng ilibre ko, kasi alam kong di sila aalis sa ganoong paraan.

Siguro, lumala na 'tong depression ko o baka naman emotionally aggravated na ang status ko. Inaamin ko, may inferiority complex ako, pero di ko rin naman masisisi ang sarili ko kasi nabugbog na siguro ako sa pagiging depressed kaya, heto, ganito ako ngayon. Pag may mga family affair, tina-try kong mag fit-in, pero nagmumukha lang akong gago na pilit isinasangat ang sarili sa kanila. Lahat ng galaw ko palaging napapansin. Trying hard sa madaling sabi. Minsan uupo na lang ako sa isang sulok na kunwari nagtetext para hindi mahalata na naa-out of place na 'ko.

May mga araw na sinasabi ko na sana hindi na lang ako ipinanganak dito sa mundo.

Hindi ko na kayang tapusin... Hindi ko na kaya... Hanggang kailan ba ganito ang buhay?
Posted by maladroit on April 16, 2004 at 11:05 AM | 2 comments
« Newer · Older »